BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Monday, November 2, 2009

Tama na kasi ang trip

>
>PAALALA LANG PO HA:
>
>eto eh galing sa isang taong...
>hindi sa nakikielam.. .
>pero gusto lang makatulong.. .
>(SANA naman)...
>at makapagbigay ng opinyon...
>
>uulitin ko lang ha...
>
>wala sanang masaktan...
>
>KATOTOHANAN lang...
>
>____________ _________ _
>------------ --------- -
>
>
>HINDI BA KAYO NATATAKOT??? ...
>as in sa mga bagay-bagay. ..
>hello??...
>getz,...
>saan pa ba..
>kundi sa mga LOVE life issues...
>na tipong imbis na maging seryosong usapan...
>eh nagiging pang-"TELESERYE" pa ang dating...
>
>don't you know that it's not something to "LAUGH" about...
>it involves PEOPLE..
>people with feelings...
>
>
>nws...
>ang akin lang naman eh..
>based from experiences ha!...
>
>
>ang love ay hindi minamadali.. .
>hindi pinipilit..
>at lalong hindi kina-career. ..
>
>
>IT COMES NATURALLY...
>(hahaha... take it from me!!!... )
>
>
>as in magugulat ka na lang isang araw...
>magigising na SIYA ang nasa isip mo...
>hindi pinilit na isipin ha...
>basta NAISIP mo na lang basta...
>mapapangiti ka na lang...
>at basta na lang gagaan ang pakiramdam mo...
>na tipong kahit mukha ka ng tanga...
>eh ok lang sayo...
>ngiti ka pa rin...
>
>hindi nababase sa tagal ng pinagsamahan. ..
>hindi rin sa dalas ng pagkikita...
>hindi rin sa ilang beses na pagkakausap sa phone...
>lalung-lalo nang hindi sa dalas ng pagte-text.. .
>
>may MAGIC kasi yan eh...
>magic na hindi naka-cast ng kung sinuman...
>MAGIC na matagal na palang nandun...
>hindi mo lang namamalayan. ..
>
>isusugal mo ba yun???...
>yung feeling na sobrang wala ka ng hahanapin pang iba???...
>papabayaan mo bang masira yun???...
>
>
>ASA PA!!!...
>
>
>kaya nga eto lang yun eh...
>wag na kasi kayong magmadali...
>
>
>unang-una...
>
>PAANO MO BA NASABING MAHAL MO NA SIYA???...
>
>dahil ba natutuwa ka sa kanya???...
>o kaya naman naaaliw ka???...
>naswee-sweetan ka ba ng sobra sa kanya???...
>kinikilig ka ba pag nakikita mo siya???...
>at nahi-high kapag naririnig mo na ang boses niya???...
>
>eh teka muna...
>baka naman infatuated ka lang....
>o kaya naman kagaya nga ng sagot mo...
>BAKA naaaliw ka lang...
>dahil kakaiba siya...
>may spark na hindi mo maintindihan. ..
>
>tsk!!!...
>ang saklap nyan!...
>
>
>pangalawa...
>
>GAANO MO NA BA SIYA KAKILALA???. ..
>
>madali ba siyang mapikon???.. .
>pano ba siya mabadtrip??? ...
>madali bang mahalata na may topak siya???...
>ano bang suot niya pag nasa bahay siya???...
>shorts ba o pantalon???. ..
>nakasando ba siya o naka-t-shirt lang???...
>matagal ba siyang maligo???... .
>kumakain ba siya ng vegetables?? ?...
>tamad ba siya???...
>mas gusto ba niyang manood ng tv kaysa magbasa ng libro???...
>nagpe-play station ba siya???...
>tatlo ba ang pamangkin niyang lalaki???...
>makukulit ba yung mga kamag-anak niya???...
>green ba ang kulay ng gate ng bahay nila???...
>sa village ba siya nakatira???. ..
>may sakayan ba ng jeep na malapit sa kanila???...
>nagsisimba ba siya linggo-linggo? ??...
>kasama ba yung pamilya niya???...
>at nagdadasal ba siya bago matulog???.. .
>
>in short...
>alam mo na nga ba???...
>ang mga bagay-bagay. ..
>ang mga simpleng bagay tungkol sa kanya...
>na nagdedetermine ng sarili niya...
>as in kung sino ba talaga SIYA...
>
>
>pangatlo...
>
>KAYA MO BA SIYANG TANGGAPIN??? ...
>
>as in TANGGAPIN ng buong-buo...
>
>sa lahat ng trip niya sa buhay...
>sa lahat ng katopakan niya...
>sa lahat ng pag-iinarte at pag-dadrama niya...
>sa lahat ng kasalanang nagawa, ginawa, at gagawin pa lang niya...
>sa lahat ng naiisip niya...
>sa lahat ng sasabihin niya...
>sa kilos niya...
>sa pananamit pa pala niya...
>sa pagsasalita. ..
>sa pananaw niya sa buhay...
>sa pagtrato niya sa tao...
>sa lifestyle niya...
>sa uri ng pamilyang meron siya...
>sa uri ng kaibigang kasa-kasama niya...
>sa style niya pagdating sa love...
>sa kasweetan niyang natural...
>sa paglalambing niya...
>sa tawa niyang pagkalakas-lakas. ..
>sa manners niya...
>sa pagmumura niya...
>sa bisyo niya kung meron man...
>sa mga pang-aasar niya sayo...
>sa style niya pagdating sa pagsolve ng problema...
>sa problemang maaari ka ring masama...
>
>
>pang-apat...
>
>KAYA MO BANG MAGING TOTOO???...
>
>kaya mo bang makita yung sarili mo...
>na kasama pa rin siya ha...
>sa isang sitwasyong pag naisip mo eh...
>mapapaiyak ka na lang sa sakit...
>nang dahil din sa kanya???...
>
>kaya mo bang magmukhang tanga...
>as in umiyak ng dahil sa kababawan...
>ibuhos ang mga nararamdaman mo...
>kahit na puro kababawan nga lang naman...
>as in kahit sa harapan niya???...
>
>kaya mo bang maging barubal pag kasama mo siya???...
>yung tipo bang wala ka ng pakielam...
>mawala man ang manners mo...
>na wala ka naman talaga...
>
>in short...
>
>KAYA MO BANG MAGING IKAW KAPAG KASAMA MO NA SIYA???...
>
>yung tipong hindi ka nahihiyang ipakita kung sino ka
>talaga...
>
>dahil alam mong...
>
>
>HINDI MO LANG SIYA TANGGAP...
>
>TANGGAP KA RIN NIYA...
>
>BUONG-BUO RIN...
>
>
>MGA TAO!!!...
>tama na kasi ang trip...
>tama na ang pagmamadali. ..
>oo masarap ngang mainvolve sa isang tao...
>pero diba mas masarap yun...
>
>LALO NA KUNG ALAM MONG TOTOO YUNG
>NARARAMDAMAN MO...

0 quirks: